Malamang naranasan mo na ang ilan sa mga nabanggit dito”*. Naranasan mo na bang makakilala ng isang tao na hindi mo inaakalang mamahalin mo ng sobra? Taong ginawa mong mundo. Taong halos ibigay mo na ang lahat lahat ng iyo, kahit na alam mong hindi sapat. Taong nagparanas sa’yo ng walang katulad na saya. Taong tinanggap mo kahit ano pa man ang status at meron siya sa pag-aakalang worth it ito sa huli.
AKO OO.
Naranasan mo na din bang mahusgahan ng maraming tao ng dahil lang sa pagmamahal mo sa taong iyon? Kung tignan ka nila akala mo ikaw na angtanginang pinakamasama at pinakamaruming tao sa buong mundo. Naranasan mo na din bang ipagkibit balikat na lang ang lahat ng yun kahit masakit at mahirap na. Mas pinili mong ipaglaban at ipagpatuloy ang nasimulan mo sa taong iyon, dahil sa mahal mo siya at siya lang ang gusto mo makasama hanggang sa pagtanda.
AKO OO.
Naranasan mo na din bang iwanan ng taong iyon? Na ni sa panaginip, hindi mo inakalang magagawa niya dahil sa tindi ng mga pinagdaanan niyo ni hindi kayo nag-iwanan. Naranasan mo na bang makarinig mula sa taong iyon na ng mga masasakit at makabasag-pusong salita? Na marami pala ang mali sa’yo, bigla na lang ay marami siyang hindi gusto sa ugali mo. Naranasan mo na bang humingi ng isang pagkakataon para ayusin ang lahat tulad ng pagbibigay mo sa kanya noon ng ilang pagkakataon, pero matigas siya at ayaw kang bigyan?
AKO OO.
Naranasan mo na bang samahan ang taong iyon sa bawat tagumpay at hirap niya? Mga panahong inaayawan siya ng mga tao, at ikaw lang ang maasahan niya. Mga panahong naligaw siya sa ispirituwal, ikaw lang ang hindi bumitaw at umiwan sa kanya. Pero nung mga panahong ikaw naman ang nangailangan ng taong makakasama hanggang sa maabot mo ang mga pangarap mo, hindi siya nakapagtiyaga at iniwan ka.
AKO OO.
Naranasan mo na bang ipagpalit ng taong iyon sa iba? At dahil doon ay nasaktan ka ng sobra, yung literal na sakit sa puso, sa sobrang sakit ay makakaramdam ka ng hilo at halos di ka na makahinga? Parang inapak-apakan at dinurog ang pride at pagkababae mo. Yung sakit na ni sa kaaway mo ay ayaw mong iparanas dahil nga sobrang sakit.
AKO OO.
Naranasan mo na bang hindi irespeto ng taong yun ang pinagsamahan niyo? Yung tipong kakahiwalay niyo lang ngayon, wala pang bente-kwatro oras ay meron na siyang iba. At ang masama ay ipagmalaki pa yon sa iba. Na para bang nakapa-walang kwenta mong tao noong naging kayo. Nakaramdam ka na ba ng sobrang kahihiyan mula sa mga taong tinalikuran mo noon ng dahil lang sa pakikipaglaban sa kanya? Na parang makikita mo sa mga mata nila ang mga salitang, ‘O anong sabi namin sa’yo?’.
AKO OO.
Ngunit sa kabila ng lahat, naranasan mo na bang piliin na kalimutan na lang ang lahat ng mga ginawa niya para lang bumalik siya sa’yo at makapag-umpisa kayo ulit? Handa kang talikuran ulit ang lahat at bigyan ng isa pang pagkakataon ang relasyon niyo. Handa mo siyang patawarin iwan lang ang taong pinagpalit sa’yo at pangakuan ka na hindi na yun mauulit. Naranasan mo na bang umasa na gagawin niya ang lahat ng iyon?
AKO OO.
At naranasan mo na bang sa pangalawang pagkakataon, muli kang nabigo dahil mas pinili niyang huwag kang balikan at bigyan ng isa pang pagkakataon? Wala kang magawa kundi ang tanggapin na lang ang lahat at magkunyari-kunyariang matapang ka pero sa loob-loob mo ay parang patay na ang kalahati ng iyong katawan.
Naranasan mo na ba lahat ng iyon?
Ako OO, at sobrang sakit !
No comments:
Post a Comment